26 July 2011

RAON SHOPPING CENTER PT 2 (VIDEOKE)

         Kilala din pala ang Raon sa sandamakmak na bilihan ng videoke! Dito manual na inaassemble ang videoke na di mawawala sa mga beer haus (woohooo! wag nyu lang pakakantahin ng "My Way" ang mga lasing, napaka deadly na kanta to sa videoke, hahah, NAKAMAMATAY), sa mga birthday party at kung saan saan pang okasyong Pang Pinoy. Halos kalahati ng mga establishment d2 ay videoke ang binebenta o kaya naman ay speakers. Makakabili ka ng videoke na nag kakahalaga ng around 16k-25k depende sa kalidad ng mga sumusunod:

1.) Speakers - kilalang brand ang KONZERT (babala, may class A na speaker toh, di lahat orig),
2.) Videoke Player - ung binili ko na videoke, ung player ko is PLATINUM, kasi halos every 2 months ay may update sila na song, akalaing nyung kakalabas pa lang ng "Baby" ni Justin Bieber eh meron na agad sa videoke ko, hahah,, ( Oi, di ako JB fan ah, di ako defensive). May ibang player pa na maayus, like KUMYOUNG at MEGAPRO. Di ganun kabilis magupdate ng songs lalo na sa KUMYOUNG pero kung mahilig kang kumanta ng mga Japanese at Korean songs, bet ko ang KUMYOUNG kesa  MEGAPRO.
FYI, KUMYOUNG ang ginagamit na QUANTUM at TIMEZONE sa mga videoke nila kaya eto din ang pinakamahal na player (around 9k, player pa lang)
3. TV- usually ang kasama sa bundle ng mga videoke na binebenta ay 2nd Hand na, wag ka ng choosy, wala kang mahahanap na magbebenta ng videoke na brand new TV, ASA ka pa,
4. Microphone- ung mga player may kasama na yang mic na generic, suggest ko na lang na bumili ng separate na mic around P300-P500 ung mga matinong mic, at kung sosyalin ka, pede ding wireless =)
5. Amplifier- Around mga 2.5K- 4k and price nito. Magagandang pang videoke na amplifier is SAKURA saka KONZERT, mura lang yang mga yan, ung kinuha ko ay KONZERT kasi un na ung sa speakers ko eh.

(Sample ng 4x4 videoke)

          Tatanungin ka din pala sa size nung videoke machine, dalawa ung offer nila, 4x2( 4 na maliit na speakers at 2 na 12" speakers) or 4x4 (4 na maliit na speakers at 4 na 12" speakers), so diskarte mu na yan!
Happy Shopping! Works!

2 comments:

  1. how much is the player lang na platinum?

    ReplyDelete
  2. hi! Ung platinum na player nag rarange from 5k-8k depende sa model

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...