30 June 2012

Wellmanson (Quiapo) Beads and Accesories



Dalawa lang ang alam kong branch ng Wellmanson, Divisoria at Quiapo. Pero mas malaki ung sa Quiapo at mas maraming pumupunta dun kesa sa Divisoria Branch nila. Kung baket ko nalaman ito eh kasi ako gumagawa ng sarili kong headband este ehem... sinasamahan ko lang ang GF ko!! (Manly voice).
Matatagpuan eto sa Villalobos Street at nasa right side siya kung manggagaling ka ng Quiapo Church.
Actually maraming ibang mga beads and accesory stores na matatagpuan dito sa Villalobos ngunit sa Wellmanson ang pinakamura sa lahat.



sandamakmak na raw materials!
Halos lahat ata na pwedeng pang accessory makikita mo dito, mismong mga raw materials pag-gawa ng   earrings, bracelets, singsing, kwintas at kung ano ano pa. Pati nga mga lucky charms meron din. Meron din naman silang mga gawa na kung tinatamad ka ng "make your own accessory" na theme. Kapag pumupunta kami ng girlfriend ko dito, palaging kumikislap ang mga mata niya, kaya usually uupo na lang ako sa isang tabi at hintayin siyang matapos na umaabot ng minimum ng isang oras! Huwaw!! Maganda rin naman tumambay sa waiting area nila kasi may mga magazines ng DIY (Do it yourself) accessories na puro pang-girls naman! Boo! So biased.





Hindi pala nakakabili dito ng tingi or isang piraso, minimum usually ng 5 pataas na items sa isang plastic ngunit abot kaya naman ang presyo dahil wholesale ang bentahan. Pwedeng pwede sa mga aspiring businessman sa larangan ng accesory making. Ang mga presyo ay nagrarange mula P20 pesos pataas.





eto pala ung ilan sa mga finish product ko este ng girlfriend ko na i'm so proud of!




Pwede nyu din icheck ang blogsite nya dito (Crafting: Felt) at dito (I ♥ Felt).


Babala: Kung dadalhin man ang iyong kasintahan sa lugar na ito, huwag kakalimutan magdala ng Ipod o kahit anung pantanggal inip dahil ginagarantiya ko na matutuwa siya dito at aabutin siya ng lagpas isang oras sa pamimili. Good Luck!

credits to mycooshies sa ilang pics..

Pwede ninyong i-check ung updated entry ko sa Wellmanson dito... thanks!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...